SA nakalipas na taon, nagsilbi akong ministro sa ilang manlalakbay sa Holy Land. Ilan sa mga lugar na aming binisita ay ang libingan ni King David, isang highly-revered monument para sa mga Hudyo.
Inilibot kami ng babaeng tourist guide sa dambana ni David. Nang matatapos na ang aming paglilibot, tinanong ko ang tour guide: “Eh, Ma’am, ang Panginoong Jesus?
Tiningnan ako ng masama ng babae at sinabing, “Si Jesus Christ ay isang impostor, isang ordinaryong tao; hindi siya mahalaga sa atin.”
Nainsulto ako at kapwa ko manlalakbay at dahan-dahang nilisan ang mausoleum.
Sa ikaapat na Linggo ng Ebanghelyo, nang magtungo si Jesus sa Nazareth, at pumasok sa synagogue upang gumanap bilang tagapaglahad at tagapagturo, at hinahangaan sa kanyang mga gawi ngunit, tulad ng tourist guide, hindi nila siya tinatanggap bilang Messiah.
Matapos basahin ang mensahe mula sa aklat ni Isaiah kaugnay sa pangako ni Messiah, sinabi niya: “Today the Scripture passage is fulfilled in your hearing” (Lk 4,21).
Ang insidenteng ito ay nangyari ilang libong taon na ang nakalilipas. Iba na nga ba ang panahon ngayon? Binabalewala rin ba natin si Kristo? Ang kanyang mga aral at utos?
O ginagamit ba natin siya upang maging maganda ang ating imahe, o tuwing may hihilingin lang tayo?
Halimbawa, nais natin ng magagandang bagay: isang komportableng tahanan, mamahaling sasakyan, o flat screen TV.
Wala namang masama sa mga ito, ngunit kapag ba hindi tayo nagkaroon ng ganitong bagay ay nadidismaya tayo at naiinis na tila doon nakadepende ang ating kasiyahan?
Eh ang mga turo at “hard sayings” ni Kristo?
Madali lamang sundin ang mga turo ni Kristo hanggat hindi nalalabag ang iyong karapatan.
Kinakailangan nating magdasal at humingi ng tulong sa Diyos. Walang mas bubuti pa sa Diyos at tutulungan niya tayo, ngunit hindi niya ibibigay ang lahat ng ating kagustuhan.
At ang dahilan? May ibang plano ang Diyos. Ang plano at paraan niya ay hindi katulad n gating paraan. Ngunit ang pinakamahalaga ay magtiwala lamang tayo ng buo sa kanya. Ayon nga kay St. Peter: “Lord, to whom do we go. You have the words of eternal life.” (Fr. Bel San Luis, SVD)