ANGEL3 copy

PATI si Kris Aquino tinatanong ng fans tungkol sa breakup nina Luis Manzano at Angel Locsin dahil hindi na raw matutuloy ang pagnininang niya sa dalawa kapag hindi naayos ang problema nila.

Nabanggit at nai-commit na ni Kris ang sarili para maging isa sa mga ninang nina Luis at Angel. In fact, “Ninang Kris” na ang tawag sa kanya ng ex-couple.

Nananatiling tahimik sina Luis at Angel sa muli nilang paghihiwalay at walang sinasagot sa tanong ng kani-kanyang followers sa Instagram kung bakit sila naghiwalay.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pero tuloy ang pagpapatawa ni Luis sa kanyang IG posts, kaya hindi masyadong malungkot ang mood ng kanyang followers. May pictures pa rin naman ni Angel sa IG niya, kaya lang, picture sa poster ng Star Cinema movie na Everything About Her at sa TV show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent.

Sa IG ni Angel medyo feel ang “lungkot mode” dahil sa caption niya sa picture nila ni Gov. Vilma Santos na, “Thank you for everything” dahil tila nagpapaalam sa happy times nila together.

How sad… parang nangangahulugan na wala nang balikan (uli) na mangyayari sa kanila ni Luis. Gustung-gusto pa naman ng napakaraming fans na sila na ang magkatuluyan.

Kasabay ng balitang breakup nina Luis at Angel ang balitang hindi na rin si Ethel Ramos ang manager ni Angel, pero matagal na pala naghiwalay ang aktres at ang kanyang manager.

Tama bang noon pang ginagawa ni Angel ang Legal Wife ay naghiwalay na ang landas nila ng kanyang manager?

(NITZ MIRALLES)