Aabot sa mahigit P4-milyon halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang isang imbakan ng kemikal sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Caloocan City Fire Marshall Supt. Antonio Rugal, Jr., dakong 11:00 ng gabi nang masunog ang isang warehouse sa Maypajo.

Napag-alaman na nakaimbak sa lugar ang flammable chemicals, gaya ng tinner, kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Wala namang tao nang masunog ang warehouse at tanging ang security guard ang nasa loob ng compound.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bagamat nahirapan ang mga bombero na agad maapula ang apoy, wala namang ibang istruktura na nadamay sa sunog, at wala ring nasawi o nasugatan.

Dakong 4:00 ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog, na inaalam pa ang sanhi.

Sinisilip din ng Caloocan Fire kung may paglabag sa Fire Code ang nasabing warehouse. (Orly L. Barcala)