Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.8 porsiyento noong 2015, mas mababa kaysa inaasahan ng gobyerno matapos maapektuhan ng mahinang ekonomiya ng mundo, El Niño, at mabagal na paggasta ng pamahalaan sa unang kalahati ng taon.

Unang tinaya ng gobyerno ang 7-8% paglago para sa 2015, ngunit ibinaba ito sa 6-6.5%.

“Though this is lower than what we targeted for the year, this growth is respectable given the difficult external environment,” sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan nitong Huwebes.

Lumago ang ekonomiya ng 6.3% sa last quarter ng taon, ang pinakamalaking paglago para sa 2015. Tumaas ito mula 6.1% sa nakalipas na quarter ngunit bumaba mula sa 6.6% sa parehong panahon noong 2014.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi niya na ang paglago ay isinulong ng mas malakas na domestic demand at government spending na lumago sa 9.4% kumpara sa 1.7% ng sinundang taon. Mahigit doble ang paglago sa public at private investments, sa pangunguna ng public construction.

Malakas din ang service industries, lumago ng 6.7% noong 2015 mula sa 5.9% noong 2014. Lumawak ang industriya ng 6.0% habang humina ang agrikultura sa 0.2%.

Sinabi ni Finance Secretary Cesar Purisima na matibay ang posisyon ng Pilipinas para malagpasan ang ligalig sa financial markets sanhi ng kawalang katiyakan sa katatagan ng pandaigdigang ekonomiya. (AP)