BORACAY ISLAND, Aklan - Tinatayang aabot sa 11 cruise ship mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang inaasahang dadaong sa isla ng Boracay sa Malay, ngayong taon.

Ayon kay Niven Maquirang, jetty port administrator, dumating ang unang cruise ship na MS Celebrity Millenium nitong Enero 27, sakay ang 2,138 pasahero.

Naging host ng popular TV show sa Amerika na “Top Chef”, ang MS Celebrity Millenium ang pinakamalaking cruise ship na bumisita sa Boracay simula nang magdaungan sa isla ang mga cruise ship tatlong taon na ang nakalilipas.

Kinilala kamakailan ng Department of Tourism (DoT) ang Boracay bilang bagong cruise ship destination, ayon kay Maquirang. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog