Umapela kahapon si Nationalist Peoples Coalition (NPC) Valenzuela City First District Rep. Sherwin T. Gatchalian na madaliin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba sa P30 ang flag down rate ng mga taxi dahil sa patuloy na pagsadsad ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Gatchalian, dapat nang ibaba sa P30 mula sa dating P40 ang flag down rate ng taxi, habang hindi pa tumataas ang presyo ng gasolina at diesel.

Hangad din ng mambabatas na magbaba ng pasahe ang mga UV Express shuttle.

Ang hakbang na ito ni Gatchalian ay matapos na ibaba sa P7 ang pasahe mula sa P7.50 sa mga pampasaherong jeep noong nakaraang Biyernes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The slump in oil prices should benefit all commuters, including those who ride taxis and UV Express units,” ani Gatchalian, senior vice chairman ng House committee on Metro Manila Development.

“Considering LTFRB’s directive to peg the minimum jeepney fare at P7.00, it is high time to look at making the reduced taxi flag-down rate permanent and to lower the initial fare for UV Express units,” dagdag pa ng solon.

Magugunita na dinagdagan ng LTFRB ng P10 ang flag down rate ng taxi na naging P40, habang ang mga airport taxi ay itinaas sa P70 mula sa P40 noong nakaraang taon dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. (Orly L. Barcala)