Yna at Amor sa pagkamatay ni David copy

ANG binitiwang pangako ng pag-ibig at paghihiganti ang pilit na paninindigan ng mga karakter sa top-rating teleseryeng Pangako Sa ‘Yo sa nalalapit nitong pagtatapos ngayong Pebrero.

 

Sa huling tatlong linggo ng serye, nasaksihan na ang bagsik ng kasamaan ni Claudia (Angelica Panganiban) nang paslangin niya si David (Diego Loyzaga), na ipinagluluksa nina Amor (Jodi Sta. Maria) at Yna (Kathryn Bernardo).

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa unti-unting pagtatagumpay ng mga plano ni Claudia, wala nang makapipigil pa sa kanya na pahirapan si Amor at itago sa kanila ni Eduardo (Ian Veneracion) ang katotohanang si Yna ay ang anak nilang si Maria Amor.

 

Sa gitna ng pagdadalamhati, isang panibagong pagsubok haharapin nina Yna at Angelo (Daniel Padilla) dahil sila ang sisisihin sa inaakalang pagpapakamatay ni David.

 

Patuloy kayang ipaglaban nina Yna at Angelo ang kanilang pag-iibigan sa gitna ng paghusga sa kanila? Hanggang saan ang kayang gawin ni Claudia para lamang magdusa si Amor?

 

Alin sa mga binitiwang pangakong ito ang mapapanindigan hanggang sa katapusan, at alin ang mananatiling salita lamang?