HANOI, Vietnam (AP) — Muling inihalal bilang lider ng Communist Party ng Vietnam noong Miyerkules si Nguyen Phu Trong para sa ikalawang termino, sinabi ng mga opisyal.

Iniluklok ng partido si Trong sa 19-member Politburo, ang all-powerful body na humahawak sa pang-araw-araw na gawain ng gobyerno at ng partido, at bilang general-secretary, ang de fact No. 1 leader ng bansa.

Inihalal din sa Politburo sina deputy Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, na inaasahang magiging prime minister, at Minister of Public Security Tran Dai Quang, na magiging bagong pangulo ng bansa.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo