CEBU CITY – Magkakaroon ng bagong silbi ang bagong tayo, P550-milyon pinagdarausan ng 51st International Eucharistic Congress (IEC) sa Cebu City matapos ang isang-linggong relihiyosong pagtitipon.
Sinabi ng suspendidong si Cebu City Mayor Michael Rama na ang IEC Pavilion sa Barangay Mabolo ang magiging pangunahing evacuation site kapag sinalanta ng mga kalamidad o trahedya ang lalawigan, bukod pa sa pagiging isang malaking lugar para sa mga kombensiyon at iba pang events.
Ang IEC Pavilion, na may lawak na 25,754 square meters, ay donasyon ng Duros Development Corporation sa Archdiocese of Cebu. (Mars W. Mosqueda, Jr.)