NAGA CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang pulis na pinagbabaril ng armadong kalalakihan sa mismong kanyang kaarawan nitong Linggo, sa Barangay Amomokpok sa Ragay, Camarines Sur.

Sinabi ni Camarines Sur Police Provincial Office director Senior Supt. Wilfredo Pornillos na sakay sa kanyang motorsiklo at papasok na sa trabaho si SPO2 Julieto Egay Mondigo, Jr., 44, ng Bgy. Amomokpok, nang tambangan ito ng dalawang armadong lalaki.

Ayon kay Pornillos, kahit nilalagnat ay pinilit ni Mondigo na mag-duty at planong ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya at mga kaibigan pagsapit ng gabi.

Batay sa ulat, nauna nang tumanggap ng death threat si Mondigo. (Ruel Saldico)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae