DIEGO AT SOPHIA copy

‘SINA’ Diego Loyzaga at Sofia Andres na ba at out na si Iñigo Pascual?

Hindi namin masyadong pinansin nang makita naming magkasama at magkahawak-kamay sina Diego at Sofia sa premiere night ng pelikulang Nilalang ni Cesar Montano sa SM Megamall noong Disyembre kasi ang alam namin ay magkaibigan lang sila.

Alam din naming may ‘special relationship’ sina Iñigo at Sofia na inamin nila sa one-on-one interview namin sa kanila sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pero nitong mga huling araw ay madalas na nakikitang magkasama sina Diego at Sofia at naringgan din namin ang ilang taga-ABS-CBN na may unawaan na ang dalawang bagets.

Tiyempo namang nakausap si Iñigo ng ilang katoto at inamin niyang good friends na lang sila ni Sofia. Inamin din ng anak ni Piolo Pascual na nag-usap sila ni Diego tungkol kay Sofia. Sa madaling salita, maaaring nagpaalam ang binata ni Cesar na liligawan si Sofia o sila na.

“We had a proper talk about it. We’re okay, we’re good friends,” sabi raw ni Iñigo sa naturang panayam sa kanya.

“Pareho ko silang kaibigan saka I’m happy whenever they are happy. Mabait si Diego. I’ve known him for a while now, so wherever Sofia is happy.”

Anyare? Nawalan na kaya ng oras si Iñigo kay Sofia o naapektuhan na ang dalagita sa pakikipagtambalan ng batang aktor kina Julia Barretto at Miles Ocampo sa seryeng And I Love You na napapanood sa Kapamilya Gold?

“We still hang out sa ASAP, sa work, but we don’t get to hang out a lot anymore. She’s doing her own thing, I’m doing my own thing now, but the friendship is definitely is still there,” sabi pa ni Iñigo.

Sabagay, opportunity knocks only once kaya pinagbubuti ni Iñigo ang unang teleserye niya at gusto niyang ipakita na makikilala siya bilang siya at hindi dahil si Piolo ang tatay niya.

Kaya tutok ang binatilyo sa acting career niya at nagsasanay nang husto sa pagsasalita ng Tagalog.

Samantala, agad nagtapat ang binatilyo na wala silang relasyon at magkaibigan lang sila ni Julia Barretto bagamat lagi silang magkasama sa taping ng And I Love You So.

Honest, maayos makipag-usapan sa sinuman, at masunuring anak si Iñigo. Hindi niya kinakalimutan ang laging bilin sa kanya ng tatay niya, “To finish my studies. I finished high school, so at the moment I’m looking at some business colleges.

“I really wanna do business pero ‘di ko talaga alam ang gusto ko, kasi from the very start talaga, ang gusto ko talaga is Performing Arts. Pero I wanna do something different from what I am doing at the moment.

“Pinag-iisipan ko, I wanna take up something right now while I’m working, but also focus on something, pick up subjects where I can have some break from what I am doing and study, I don’t like to be distracted.”

Unti-unti na kasing sinasanay ni Piolo ang anak kaya isinasama niya ito sa mga business meeting niya.

“He always reminds me about it and I wanna do that because every time he brings me in a business meeting, tatanungin niya ako, ‘What did you learn? Ano ang naintindihan mo pagkatapos ng meeting?’ Ang sasabihin ko lang, ‘Pa, pumunta lang ako para kumain.’ ‘Di ko talaga naiintindihan kung ano ang nangyayari. Somehow, I wanna be able to inherit what he is teaching me now the way he’s organizing, the way he does things.” (REGGEE BONOAN)