Enero 25, 1905 nang inspeksiyunin, sa pangunguna ng mine superintendent na si Frederick Wells, ang Premiere Diamond Mine sa Pretoria, South Africa at nadiskubre ang isang 3,106-carat diamond, na tinawag na “Cullinan Diamond”, at naging pinakamataas na gem-quality diamond na nadiskubre.

Nakita ni Wells ang kumikinang na starlight sa itaas nang siya ay nasa ibaba ng Earth’s surface, may 18 talampakan ang lalim.

Tumitimbang ng 1.33 pounds, ipinangalan ang diyamante sa nagtatag ng minahan na si Sir Thomas Cullinan.

Ang Asscher Diamond Company head na si Joseph Asscher ang naatasan sa pagbiyak sa diyamante, at sinuri niya ang bato sa loob ng anim na buwan bago niya ito aktuwal na sinubukan. Perpekto ang pagkakabiyak ni Asscher sa diyamante sa ikalawa niyang pagtatangka, ngunit dumanas siya ng nervous exhaustion.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Makalipas ang dalawang taon, iprinisinta ng Transvaal Colonial Government ang diyamante kay King Edward VII matapos bilhin ang bato mula kay Cullinan sa halagang $1 million. Hindi nagtagal ay nahati sa 100 maliliit na piraso at siyam na malalaking piraso ang nasabing diyamante.