AGONCILLO, Batangas - Pinaghahanap ng awtoridad ang isang 46-anyos na lalaki matapos umano nitong mapatay ang sariling tiyuhin sa Agoncillo, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Orestes Mayuga, taga-Barangay Bilibinwang, sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO3 Rennie Pulhin, dakong 7:00 ng umaga nitong Enero 23 at iigib sana sa balon si Francisco Mayuga, 55, nang sundan siya ng suspek at pagbabarilin.

Dead-on-arrival sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery ang biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na isang gabi bago ang pamamaril ay nagkaroon ng kumprontasyon ang dalawa dahil sa umano’y relasyon ng manugang ni Francisco sa asawa ni Orestes.

Hinabol umano ng taga ni Francisco si Orestes subalit naawat sila ng mga kaanak, at pinaniniwalaang gumanti ang suspek sa tiyuhin. (Lyka Manalo)