Muling umiskor ng 1st round knockout na panalo ang Pilipinong si International Boxing Organization (IBO) light flyweight champion Rey Loreto sa laban sa Thailand, kamakalawa, kaya inaasahang lalo siyang aangat sa world rankings.

Iniulat ng BoxRec.com ang pagwawagi ni Loreto sa Thailand bagamat hindi tinukoy kung sino ang Thai boxer na pinatulog niya sa unang yugto ng sagupaan. Huling napatigil ni Loreto sa Bangkok si dating WBA minimumweight champion Pornsawan Porpramook noong 2013.

Ginitla ni Loreto ang boxing world nang talunin niya sa 3rd round knockout si dating IBF at IBO minimumweight champion Nkosinathi Joyi ng South Africa noong Pebrero 1, 2014 sa Monte Carlo, Monaco para maging kampeon ng IBO.

Sa kanilang rematch ni Joyi noong Marso 22, 2014 sa Eastern Cape, South Africa, lalong nagulat ang boxing fans nang patulugin ni Loreto sa 1st round ang pambato ng nasabing bansa kahit bagong opera siya sa apendisitis para mapanatili ang IBO crown.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasalukuyang nakalista si Loreto na No. 3 sa WBC at No. 14 sa IBF sa light flyweight division at No. 3 sa WBA sa minimumweight division. - Gilbert Espeña