Sinabi kahapon ng pinuno ng House Independent Bloc na panahon nang ikonsidera ng mga bansang pare-parehong may inaangking bahagi sa South China Sea, o West Philippines Sea (WPS), ang posibilidad ng joint exploration at development sa mga pinag-aagawang isla upang payapang maresolba ang tensiyon sa rehiyon.

Hinimok ni Leyte Rep. Martin Romualdez, kandidato sa pagkasenador, ang lahat ng claimant country na magpatupad ng mutually-beneficial initiatives na payapang reresolba sa agawan sa teritoryo.

“Although the matter is now in the Arbitral Tribunal, I agree that the ultimate solution to end the dispute is to engage into a possible joint exploration agreement involving all claimant-countries. This is the path toward the peaceful resolution of the protracted dispute. Nobody wants war,” sabi ni Romualdez, isang abogado at pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa).

Samantala, hindi naman pabor ang gobyerno sa planong pagbisita ng grupo ng kabataan na “Kalayaan Atin Ito Movement” sa iba pang isla sa South China Sea, ilang linggo makaraang nagtungo sa Pag-asa Island sa Palawan ang mga ito, na ikinagalit ng China.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“From the outset and irrespective of China’s pronouncements, the government through the AFP (Armed Forces of the Philippines) has engaged this Philippine youth group in dialogue on their plan to visit Pag-asa Island,” sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. sa isang panayam sa radyo.

Una nang inihayag ng grupo na magsasagawa sila ng island-hopping sa South China Sea sa Abril ngayong taon.

Noong nakaraang buwan, 47 kabataang volunteer mula sa grupo ang nagrenta ng bangka at isang linggong nanatili sa Pag-asa Island upang kontrahin ang pag-angkin ng China sa nabanggit na isla. - Charissa Luci at Genalyn Kabiling