KIDAPAWAN CITY – Dalawang pulis, isang Marine sergeant, at tatlong iba pa ang nadakip sa buy-bust operation sa Lebak, Sultan Kudarat, dakong 6:00 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ni Chief Insp. Elmer Guevarra, officer-in-charge ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 12, ang mga suspek na sina PO1 Hamed Karon, nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM); PO3 Benny Uy, ng PRO-Region 11; Sergeant Sherwin Aregado, ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) na nakatalaga sa Lebak; Michael John Besana; Ronaldo Hierro; at Akmad Guiamel Kabagani.

Sinabi ni Guevarra na pawang AWOL (absent without official leave) ang dalawang pulis at isang sundalo.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 17 sachet ng shabu, ilang drug paraphernalia, at pera na pinaniniwalaang “drug” money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog