Matapos ang ilang beses na pagtatangkang magpatiwakal, natuluyan na rin ang isang kusinero matapos siyang magbigti sa loob ng kanyang silid sa Pasay City, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rodney Abinir, stay-in cook sa Serena Bar.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo si Abinir sa ikalawang palapag ng bar upang umidlip dakong 10:00 ng gabi nitong Biyernes.

Matapos ang isa’t kahalating oras, sumunod ang kasamahan niyang si Charish Ubar upang magpahinga rin, ngunit nagulat siya nang makitang nakabigti na ng kumot ang kanyang kaibigan sa kisame ng silid.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Agad na tinawag ni Ubar ang kanyang kapatid na waitress at pinagtulungan nilang dalhin si Abinir sa San Juan de Dios Hospital, ngunit patay na ito.

Sa panayam ng pulisya, inamin ni Leslie Abinir na ilang beses nang nagtangkang magpatiwakal ang kanyang kapatid at madalas itong nag-iisa at hindi nagkukuwento ng mga problema. (Martin A. Sadongdong)