Enero 24, 1935 nang ibenta ang mga unang de-latang beer sa Richmond, Virginia, at nag-alok ang Gottfried Krueger Brewery (kasosyo ang American Can Company) ng 2,000 lata ng Krueger’s Finest Beer at Krueger’s Cream Ale.

Ang mga latang ito ay mas madaling isalansan dahil magaan, kumpara sa mga babasaging bote. Nagpatuloy ang Krueger company sa paggawa ng canned beer matapos makatanggap ng 91 porsiyentong approval rating.

Sa huling bahagi ng 1935, nadagdagan ng 37 brewery ang nagbebenta ng beer sa lata, at mahigit 200 milyon na lata ang nabenta.

Taong 1909 nang sinimulan ng American Can Company ang pag-eeksperimento sa canned beer, na noong una ay nabigo matapos sumabog ng mga latang ginamit sanhi ng pressure mula sa carbonation. Gumamit ang kumpanya ng “keg-lining” technique noong 1933 para maiwasan ang negative reaction.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa kasagsagan ng World War II, nagpadala ang American-based brewers ng milyun-milyong de-latang beer sa mga sundalo na itinalaga sa iba’t ibang bansa.