Solenn at Derek copy copy

FEELING namin, sa kuwento nina Derek Ramsay at Solenn Heussaff sa grand presscon ng Love Is Blind ng Regal Entertainment, true and organic ang pagmamahalan nilang dalawa noong panahon na pareho pa silang wala sa showbiz. 

Nine years silang hindi nagkita at nagkasama since the break-up at ngayon lamang sila magkakasama sa isang project.

May biruan, may seryoso sa pagkukuwento nila.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“We never work together, may talent pala siya,” sabi ni Solenn.

“Nine years ‘di kami nagkita at nagkasama, she is special to me and my family until now. Iyong isang niece ko, ipinangalan pa sa kanya, si Solenn at inaanak niya sa binyag,” sabi ni Derek. “She got everything, she is the most creative girl I’ve ever met. Nagmahalan naman kami talaga.”

“He is my first love, at totoong boyfriend, nang mahalin ako ni Derek, mataba ako noon, four years ding naging kami.”

“We travel a lot noon ni Solenn, we love going from place to place. Walang level ang aming relationship. Nag-aaral pa siya noon, we talk everyday.”

“Civil kami ni Derek for nine years. Nang tanggapin ko ang offer ng Love Is Blind, hindi ko alam na si Derek ang leading man ko.”

“Sabi ko kay Solenn it’s her decision kung gagawin niya ang movie.”

“I’m still close to them (pamilya ni Derek), nagkita kami sa Lanao ng sister niya, at si Solenn na inaanak ko.”

Hindi ba nanghinayang sina Solenn at Derek nang mag-break sila noon?

“I can’t tell if we continue our relationship noon, baka naging mahirap din,” sagot ni Solenn.

“We’re very good friends ni Solenn and our family, everything happens for a reason. I love her dearly, I can always call on her and vice versa.”

“May chemistry kami noon, may chemistry pa rin ngayon. Hindi ko naman na-miss ang abs ni Derek dahil araw-araw nakikita ko sa EDSA ang mga billboards niya.”

Ngayong magkatrabaho sila, may problema ba sa kanya-kanyang karelasyon?

“Wala naman, kilala naman ng boyfriend ko si Derek. Trabaho lang,” nakangiting patapos ni Solenn.

“Joana (his girlfriend) knows Solenn, she understands that it is work, she trust me,” patapos naman ni Derek.

Ang Love Is Blind ay special Valentine presentation ng Regal Entertainment Inc. na mapapanood na simula sa February 10, mula sa direksiyon ni Jason Paul Lacsamana, kasama nina Solenn at Derek sina Kean Cipriano at Kiray Celis.

(NORA CALDERON)