NANAWAGAN ang major transport groups, partikular na ang Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) at Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), na bawasan ng 50-centavo ang pamasahe sa jeep.

Para sa kapakanan ng commuters. “All is fair in love...” at sa pamasahe.

Kinakailangan ding sumunod ang mga negosyante sa pagbabawas ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagbaba ng transport at production cost, ayon kay vice-presidential candidate Sen. Ferdinand Marcos Jr.

“This is a good example of social responsibility. I believe we have a lot of companies that are conscientious enough to start lowering prices on their own without government order,” sabi ni Marcos.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Oras na para magbawas o “bagsak presyo.”

Ayon sa mga transport leaders, ang P7.50 minimum fare sa jeep ay dapat ibaba sa P7.00 dahil sa pagbaba ng presyo ng petrolyo, nagyon ay pumapatak lamang sa US$28.

Kinakailangang maging patas ang mga operator at sumunod.

Idinagdag pa ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, na kinakailangang magbaba rin ng presyo sa basic commodities dahil ang presyo ng diesel ay pumapatak lamang sa pagitan ng P19 at P22.80 kada litro habang ang gasolina ay nasa P32 hanggang P38 kada litro.

“The Filipino people should be feeling the progressive effect of the oil price reductions but prices remain high.

The government must also do its part to bring reprieve to our countrymen,”ani Marcos.

Tinatawagang pansin ang DTI at LGUs! Ipatupad niyo na ang bawas-presyo, please.

Nanawagan ang House Independent Bloc sa Social Security System (SSS) na hayaang bukas ang pinto para sa karagdagang pension.

“Iit’s insensitive and lack of concern” para sa 2.15 million pensioners, ayon sa legislators.

“Our challenge is for the SSS and the government to reconsider its position. A small amount of increase is better than totally ignoring their plight,” Ayon kay Leyte Rep. Martin Romualdez, tinutukoy ang pag-veto ni Pangulong Aquino sa Congressional bill na magkakaloob ng P2, 000 monthly pension increase.

“We have over two million SSS pensioners who are in their sunset years and may not be benefitting from government’s dole-out program despite their huge contributions in nation-building before,” ayon kay Romualdez.

Tulungan ang mga pensioner, please, panawagan niya. (FRED M. LOBO)