CAPAS, Tarlac — Namatay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki nang magbanggaan ang dalawang tricycle sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac. Apat na iba pa ang nasugatan.

Sa report ni PO3 Aladin Ao-as, traffic investigator, kinilala ang namatay na si Mark Lawrence Manalad, ng Bgy. Aranguren, ng bayang ito. Siya ay pasahero ng motorsiklong minamaneho ni Rodel Manalad, na nasugatan din sa aksidente.

Ang iba pang sugatan ay sina Jay-ar Lacsina, 25, ng Bgy. Cristo Rey, Capas, Tarlac at driver ng motorsiklong may plate number na ICX- 9421, mga pasaherong sina Gonzalo Lalu, Jr., 32, at Edwin Narsoles, 27, ng Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Isinugod ang mga biktima sa Tarlac Provincial Hospital.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Dakong 4:00 ng hapon, patungo ang tricycle na minamaneho ni Manalad sa Bgy. O’Donnell nang sumalpok ito sa tricycle ni Lacsina. (Leandro Alborote)