Tinatayang aabot sa 80 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Malate, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Manila Fire District, dakong 9:00 ng gabi nang sumiklab ang apoy mula umano sa bahay ng isang Jeffrey Villanueva sa Barangay 754.

May 40 tahanan ang nadamay sa sunog na idineklarang under control dakong 10:30 ng gabi.

Hinala ng mga residente, posibleng naglaro ng lighter ang mga bata sa bahay ni Villanueva na pinagmulan ng apoy, ngunit iniimbestigahan pa ito ng awtoridad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga apektadong residente ay pansamantalang tumutuloy sa basketball court sa lugar, habang ang iba ay nagpasyang manatili sa mga gilid ng kalsada para bantayan ang kanilang mga naisalbang gamit.

Tinatayang aabot sa P500,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog. (Mary Ann Santiago)