Iniharap na kahapon ng prosecution panel sa Sandiganbayan ang una nilang testigong whistleblower sa kasong plunder nina Janet Lim Napoles, ang itinuturong utak ng pork barrel scam, at Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Sa pagsisimula ng proper trial ng anti-graft court sa kasong paglustay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas na idinaan sa mga pekeng non-government organization (NGO) ni Napoles, unang isinalang ng prosekusyon sa witness stand si Marina Sula upang tumestigo laban kina Napoles at Reyes.

Naiulat na maraming nalalaman si Sula, dating katulong ni Napoles, kaugnay sa pagtatag ng mga pekeng NGO ni Napoles.

Noong nakaraang taon, isinalaysay ni Sula sa hukuman na personal siyang nagtungo sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang iparehistro ang 20 pekeng NGO na itinayo ni Napoles.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Siya rin diumano ang nagbukas ng mga bank account sa Metro Bank at Land Bank of the Philippines (LBP) para sa mga pekeng NGO.

Si Sula ay ipinuwesto ni Napoles bilang empleyada ng JLN Corporation at presidente ng Masagang Ani Para sa Magsasaka Foundation, isang bogus na NGO na ginamit ng mga tiwaling congressman at senador. (Rommel P. Tabbad)