MAGTATAPOS na ang On The Wings of Love sa Pebrero 26 at kahit na gusto pa itong i-extend ay hindi na pupuwede dahil may world tour ang JaDine bukod pa sa naghahanda sila para sa kanilang Valentine show sa Pebrero 20 sa Smart Araneta Coliseum.

Nang ihayag na patapos na ang OTWOL, ang daming nagtanong na TFC subscribers na kaibigan at kamag-anak namin kung bakit kailangang tapusin na dahil sa lahat daw ng teleserye ng ABS-CBN na umeere ngayon ay itong kina JaDine ang kinakikiligan nang husto.

“Pampawala ng stress from work,” saktong sabi sa amin.

Hindi lang ang mga sumusubaybay ng OTWOL ang nalulungkot dahil maging ang dalawang bidang sina James Reid at Nadine Lustre ay may separation anxiety na, kasi nga naman anim na buwan silang nagkasama sa tapings.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya ang nakaraang TFC show ng JaDine sa Sacramento, California kamakailan ay ginawa talagang memorable ng dalawa at inamin ni Nadine na ini-record niya ang lahat ng lakad nila ni James lalo na nu’ng naglaro sila sa snow.

Hindi lang namin alam kung isi-share ito ni Nadine sa publiko o pang-personal niya ito. Anyway, wala kaming maisagot sa tanong sa amin kung ano ang next project ng JaDine dahil as of now ay wala pang nababanggit ang ABS-CBN at Viva.

Oo nga, ano nga ba next project nina James at Nadine bossing DMB, baka may alam ka?

(Sana lang hindi sila ilipat sa TV5 ngayong si Boss Vic del Rosario ang main content provider doon. –DMB)

(Reggee Bonoan)