james-curry photo-16 banner copy

James, Curry, nangungunang kandidato para sa US basketball team.

Pagkakataon na nina LeBron James at Carmelo Anthony na makapaglaro sa Olympics sa ika apat na pagkakataon habang nakaposisyon naman si Stephen Curry para sa kanyang Olympic debut.

Ang tatlong NBA superstars ay kabilang sa 30 manlalaro na pinangalanan bilang finalists para bumuo sa U.S. basketball team na magtatangkang makamit ang ikatlong sunod na Olympic gold medal.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pipiliin mula sa 30 nasabing manlalaro ang final 12-player roster para sa Rio de Janeiro games sa panahon ng tag-init sa US.

Sakaling mapili sina James at Anthony, ang dalawa ang magiging unang mga Amerikanong makakapaglaro nang apat na beses sa Olympics.

Bukod kina James, Anthony at Curry, ang iba pang mga napiling finalists ay sina Kevin Durant at Russell Westbrook (Oklahoma City); Chris Paul, Blake Griffin at DeAndre Jordan (Clippers); Kawhi Leonard at LaMarcus Aldridge (San Antonio); Klay Thompson, Draymond Green, Andre Iguodala at Harrison Barnes (Golden State); Kyrie Irving at Kevin Love (Cleveland); Dwight Howard at James Harden (Houston); Anthony Davis (New Orleans); Paul George (Indiana); DeMarcus Cousins at Rudy Gay (Sacramento); John Wall at Bradley Beal (Washington); Jimmy Butler (Chicago); Mike Conley (Memphis); DeMar DeRozan (Toronto); Andre Drummond (Detroit); Kenneth Faried (Denver) at Gordon Hayward (Utah).

“The depth of talent that exists in the national team program is extraordinary. Repeating as gold medalists at the 2016 Olympics will not be easy, but we feel confident that we have 30 finalists who offer amazing basketball abilities and special versatility,” pahayag ni USA Basketball chairman Jerry Colangelo.

Si Kobe Bryant na pormal nang magreretiro pagkatapos ng kasalukuyang NBA Season ay nagsabi ng hindi na lalaro sa Olympics.

Nauna nang napahanay sina James at Anthony kay Hall of Famer David Robinson bilang natatanging Amerikano na nakapaglaro ng tatlong beses sa Olympics.

Ayon kay James, ibabatay niya ang kanyang desisyon kung patuloy na maglalaro sa kanyang kalusugan at sa kagustuhan ng kanyang pamilya.

“I haven’t thought about it,” ani James.

“The last time I thought about Team USA was Kobe taking his name out of the pool. That’s the last thing I kind of really thought about, so I’m not any inch closer to playing or not any inch closer to not playing. I haven’t really thought about it much.”

Pagkatapos na maglaro sa limang sunod na NBA Finals, posibleng magkaroon ng malaking epekto sa kanyang interes na muling magsuot ng kanilang pambansang kulay na pula, puti at asul ang isa na namang mahabang season.

“The season has always kind of dictated it,” ani James.

Ayon naman kay Colangelo, maaaring mabuo ngayon ang maituturing na pinakamalakas nilang koponan sa Olympics at masasabing pinakabeterano dahil na rin sa pagkakaroon nila sa pool ng 18 manlalaro na nagwagi na sa Olympic o di kaya’y world championships at 7 pang players na nakapaglaro naman ng hangang 30 international games sa pangunguna ni Anthony na may 72.

Gaya ni James, hindi pa rin handang mag-commit si Anthony upang maglaro ulit para sa US Team.

“This summer’s a long way away for me to be thinking about that right now,” ani Anthony matapos magbalik mula sa 2-game absence sanhi ng “sprained right ankle”.

Sampung manlalaro sa listahan ang nakapaglaro na sa US Team sa Olympics at hindi kabilang dito si Curry.

Hindi siya napili noong 2012 bago siya pumutok at tinanghal na isa sa mga superstar ng liga.

Ngunit nagwagi na siya ng gold medals sa 2010 world basketball championship at 2014 Basketball World Cup kaya naman malakas din siyang kandidato para mapabilang sa koponan kahit na “crowded” na ang point guard position kung saan kandidato din sina Paul, Westbrook, Irving – ang MVP ng World Cup sa Spain noong 2014, Wall at Conley.

“This selection process was difficult from the start, and obviously it is only going to get more difficult as we look to get to the official, 12-man roster,” ani U.S. coach Mike Krzyzewski “I’m excited about the possibilities this team has.” (MARIVIC AWITAN)