DIETHER copy

WALA sa mood si Diether Ocampo nang dumalo sa presscon ng teleseryeng Bakit Manipis Ang Ulap prodyus ng Viva Entertainment na ipalalabas naman sa TV5.

 

Parang may malalim na iniisip kaya ibinuking siya ni Claudine Barretto na kagagaling lang ng actor sa breakup sa girlfriend nito.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Kaka-break lang po niya,” sabi ni Claudine.

Naloka si Diet at sabay titig kay Claudine na agad nangatwiran na, “Hayaan mong malaman nila.”

 

Ang binabanggit na girlfriend ni Diether ay si Michelle Cojuangco Barrerra at matagal na sila.

 

Hiningan ng detalye si Claudine kung paano niya nalaman ang tungkol sa paghihiwalay nina Diet at girlfriend nito, pero pinipigilan siya ng actor, sabay titig.

  

“Di po ba mag-best friends kami ni Diet? Naligaw lang siya ng landas kasi,” at halatang kinalabit na naman ng aktor ang katabing aktres.

 

Samantala, maraming gustong itanong kay Diether ang entertainment press sa presscon pero pasimple niyang binabara o iniiwasan at kunu-kunong seryoso at modulated ang boses para hindi na siya kulitin pa.

Nakakapanibago nga si Diether dahil nakilala namin siyang bubbly at talagang makuwento tuwing presscon, bukod pa sa umaamin kapag may isyu. Pero sa Bakit Manipis Ang Ulap event ay parang ibang tao na ang actor?

 

Ang seryeng ito ay hinalaw mula sa pelikula ni Danny Zialcita na ipinalabas noong 1985 at pinagbidahan nina Chanda Romero, Laurice Guillen, Tommy Abuel, at Mark Gil na ang mga gaganap naman ay sina Claudine, Diether, Cesar Montano at Meg Imperial.

 

Kasama rin dito sina Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, Ruffa Gutierrez at marami pang iba. Pilot na nito sa Pebrero 15 sa TV5 mula sa direksyon ni Joel Lamangan. (Reggee Bonoan)