ANO nga ba ang tinatawag na Bt talong? Ito ba ay katulad lang ng ating kinakaing talong? O ito ay espesyal na kapag inilaga mo at kinain ay mayroon na ring lasang bagoong? Kasi, sa naghihirap na mamamayan, kapag ang mag-anak ay nakapag-ulam ng pritong talong at ginisang bagoong, parang piyesta na.

Bakit nagkakaroon ng isyu ito? Bakit tinututulan ng UP students ang utos ng Supreme Court tungkol dito?

Ayon sa UP League of Agriculture Biotechnology Students (UP LABS), ang Bt talong ay bunga ng pananaliksik at pag-aaral ng UP LABS ngunit kamakailan lang ay ipinagbawal ng SC ang pagte-testing sa bansa ng nasabing uri ng talong, na kung tawagin ay Bacillus thuringxiensis (Bt). Bukod dito, ni-rebuke rin ng SC ang kasalukuyang guidelines tungkol sa bio safety ng GM crops sa bansa.

Bukod pa rito, pinawalang-bisa rin ng SC ang administrative order ng Department of Agriculture (DA) na nagbibigay ng dagdag na mandato sa Bureau of Plant Industry na magpalabas ng permit para sa kaligtasan at responsableng paggamit sa naturang biotechnology.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ng mga grupong kontra sa utos ng Supreme Court na maghahatid ito ng sobrang setback laban sa stakeholders at sa industriya sa sektor ng agrikultura.

Idinagdag pa ng naturang grupo na ang pinalawak na desisyon na nullification sa DA order at ang pagpapatigil sa aplikasyon, komersiyalisasyon at importasyon ng GM crops, ay pipigil sa agricultural development ng bansa.

Ano bang talaga ang batayan ng SC sa pagpapatigil sa pagte-testing at sa komersiyalisasyon ng Bt talong? Batay ba ‘yan sa reklamo ng iilan, na baka wala namang alam tungkol sa pagpaparami ng naturang uri ng talong.

Sinasabi ng grupo na ang Bt talong ay ligtas na kainin, kontra sa mga humihiling at kumokontra sa testing nito.

Ang ganitong uri ng talong ay na-develop na rin sa India at sa Bangladesh. Sa Bangladesh ay noon pang 2014. At ngayon, nakikinabang ang Bangladesh sa 70-90 porsiyentong natitipid sa paggamit ng pestisidyo.

Hindi kaya dapat na muling pag-aralan ng mararangal na Justices ng SC ang pagbabawal sa testing at pagpapalaganap ng Bt talong?

Talong at bagoong lamang ang pangunahing ulam ng mga maralitang Pinoy, ipagbabawal pa ba? (ROD SALANDANAN)