VILMA1 copy

SA wakas, nagkaroon na ng grand presscon ang Everything About Her, ang opening salvo ng Star Cinema for 2016 na pinagbibidahan nina Vilma Santos, Angel Locsin, at Xian Lim.

Itinuloy na ito kahit Linggo dahil puro busy ang mga bida.

Sa rami ng mga tanong ng reporters kay Ate Vi, wala siyang inurungan pati na ang masasabi niya kay Xian Lim na bina-bash ng kanyang detractors dahil sa usap-usapan tungkol sa kakayahan niya sa pag-arte.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagtataka si Ate Vi kung bakit may ganoong mga pag-aalinlangan sa acting ni Xian gayong napuna niyang isa ito sa ilang young actors na gumagawa ng kanyang assignment bago mag-take. To think na first time silang magkasama sa isang project, all praises ang Star for All Seasons kay Xian.

“Si Xian noong una kong makita naninibago rin ako sa kanya in a way kasi, di ba, sinabi ni Gel (tawag niya kay Angel Locsin) kanina na mahilig ako sa TV, magbasa ng tabloids. Nababasa ko ‘yung mga write ups n’yo. ‘Tapos may dala pa akong telebisyon. Nasasaktan ako nu’ng may naririnig akong negative kay Xian, because hindi ko rin alam kung anong approach ang gagawin ko kay Xian,” bungad ni Ate Vi.

“Unang-unang basa ko sa kanya, story conference pa lang, he’s such an educated person, magalang,” dugtong pa niya.

“Kasi magkaeksena kami. May mga negative na write-up tungkol sa kanya na, ‘Bakit si Xian?’ ‘Si Xian ganyan, si Xian gano’n’ at ‘Bakit ‘yan nakasama sa movie?’ My God, kapag napanood n’yo ito ipagmamalaki n’yo si Xian Lim,” diretsahang sabi ng aktres..

“Seryoso siya sa ginagawa niya. Pinag-aaralan niya. Even the time na magkaeksena kaming dalawa, hindi kami magkikibuan, I could see and I could feel him na he’s very serious na hindi kami mag-uusap.”

Naluha si Xian nang magkomento sa mga taong hindi pa rin naniniwala sa kanyang kapasidad bilang aktor.

“Don’t worry sa ganyan,” payo ni Ate Vi sa kanya, “dumaan rin kami sa stage na ganito, na kahit na anong gawin namin hindi kami ‘tinuturing na magaling na artista. Pero darating ang time, sa klase ng seryoso na nakita ko sa ‘yo sa trabaho, sa ‘pinakita mo dito sa Everything About Her, believe me meron kang pupuntahan. Keep up the good work.

“I think sa pelikulang ito, maipagmamalaki namin si Xian,” pahabol pa ni Ate Vi.

Ipalalabas ang Everything About Her sa January 27, mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal. (ADOR SALUTA)