Ricky-Sismundo-won-april-22-2015 copy

Isang malaking pagkakataon ang ibinigay sa beteranong Pinoy boxer na si RP No. 1 lightweight Ricky Sismundo sa kanyang laban kay one-time world title challenger Jose Felix Jr. ng Mexico sa Enero 30 sa Marriot Convention Center, Burbank, California sa United States.

Isa sa mga inaalagaang boksingero ng Top Rank Inc. si Felix na natalo lamang sa puntos kay Costa Rican Bryan Vasquez sa kanilang sagupaan para sa interim WBA super featherweight belt noong Disyembre 20, 2014 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Mula nang matalo kay Vasquez, nagtala ng limang sunod na panalo si Felix kabilang sa Pinoy boxer na si dating world rated Ryan Sermona na napatulog nito sa 1st round.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Huling natalo sa 12-round unanimous decision si Sismundo kay Japanese Masayoshi Nakatani noong Mayo 7, 2014 para sa OPBF lightweight crown sa Osaka, Japan.

Pagkatapos noon, apat na beses nagwagi at minsang tumabla si Sismundo sa mga karibal na Hapones. Pinakahuli niyang tinalo si dating Japanese at OPBF lightweight champion Yoshitaka Kato noong Oktubre 12, 2015 sa Korakuen Hall sa Tokyo.

Kasalukuyang nakatala si Felix bilang No. 5 sa IBF at No. 7 sa WBO sa lightweight division kaya malaki ang mawawala sa kanya kapag natalo kay Sismundo.

May rekord si Felix na 32-1-1 win-loss-draw na kinabibilangan ng 25 panalo sa pamamagitan ng knockouts samantalang si Sismundo ay may kartadang 30-8-2 win-loss-draw na may 13 panalo sa knockout. (Gilbert Espeña)