TUY, Batangas - Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isa sa mga most wanted sa Batangas sa aktong nagpa-pot session, habang dinakip din ang limang tao na kasama niya, sa isinagawang raid sa Tuy, Batangas nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Marvin Mandanas, 21, No. 7 target sa Oplan: Lambat Sibat at kabilang sa top 10 drug personality sa Tuy.

Naaresto dahil sa pagpa-pot session kasama si Mandanas sina Manuelito Mandanas Jr., 25; Mayeth Mandanas, 27; Juanito Avejero, 39; Reynaldo Carandang; at Jan Piol Lexus Sale, 24 anyos. (Lyka Manalo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog