Enero 18, 1778 nang matuklasan ng English explorer na si Captain James Cook ang Oahu at Kauai ng Hawaiian Islands, at siya ang unang Europeo na nakagawa nito. Pinangalanan niya ang mga isla na Sandwich Islands bilang parangal kay Earl John Montague.

Taong 1778 nang simulan ni Cook ang mga pagbisita niya sa mga isla ng Hawaii. Namangha sa mga barko ng mga Europeo,malugod na tinanggap ng mga Hawaiian si Cook at ang kanyang grupo. Inialok ng mga tripulante ni Cook ang mga bakal na pako kapalit ng pakikipagtalik, habang bakal naman ang ipinalit ni Cook.

Napabilib si Cook sa pagiging palakaibigan, pagiging marespeto, at pagiging matulungin ng mga Hawaiian. Maging ang mga pinuno ng mga isla ay maginoo at may dignidad.

Tumigil ang mga barko ni Cook sa Ni’hau, at naglayag patungo sa dulong kanluran ng hilaga-kanluran, mula North Atlantic hanggang sa Pasipiko. Bumalik sa Hawaii ang dalawang barko ni Cook makalipas ang halos isang taon, ngunit nagkaprobema si Cook sa ugnayan niya sa mga katutubo matapos na mamatay ang isa sa kanyang mga tauhan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Ka poe Hawaii” ang tawag ng mga Hawaiian sa kanilang sarili.