LABINDALAWANG araw pa ang hihintayin ng American entertainer na si Mos Def bago tuluyang makaalis ng South Africa dahil sa kanyang paglabag sa mga patarakaran at batas habang papaalis ng bansa, pahayag ng government spokesman nitong Biyernes, Enero 15.

Pagkatapos maaresto sa Cape Town International airport, ang rapper at aktor ay nagtungo sa isang korte sa South Africa noong Huwebes, Enero 14, ayon kay Department of Home Affairs spokesman Mayihlome Tshwete.

Pekeng “world passport” ang iprinisinta ni Mos Def nang siya ay paalis na sana ng bansa, ayon kay Tshwete.

Ayon sa court order na nagsasabing lisanin niya ang bansa, ang rapper ay hindi maaaring makatapak sa South Africa sa loob ng limang taon, ngunit maaari pa siyang umapela, ayon kay Tshwete.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Naninirahan ang New York rapper sa Cape Town simula noong Mayo 2013, ayon sa South African newspaper na Mail and Guardian.

Nagbida si Mos Def, ipinanganak bilang Dante Smith, sa iba’t ibang pelikula tulad ng The Hitchhiker’s Guide To The Galaxy, The Italian Job, at Life of Crime. (Associated Press)