Hindi lamang doble kundi triple pa ang naging gastos ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa consultation services ng kagawaran noong 2014.

Ito ang natuklasan ng Commission on Audit (CoA) matapos ang isinagawa nitong pag-aaral sa usapin.

Tinukoy ng CoA ang nabayarang consultation fee ng DoTC na aabot sa P354,496,874.83. Ito ay mas malaki kumpara sa P88,435,480.72 na nabayaran noong 2013.

Ipinaliwanag ng CoA na malaki ang naging pagbabago ng taunang consultation fee ng DoTC simula pa noong 2010.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Consultancy Services account balance of P354,496,874.83 includes DoTC-OSEC’s (Office of the Secretary) account of P352,974,921.89 representing payments to various creditors for consulting services rendered to DoTC-OSEC,” nakasaad sa 2014 Annual Audit Report ng CoA.

Napansin ng CoA na simula nang palitan ni Joseph Emilio Abaya si Manuel “Mar” Roxas III bilang DoTC secretary noong Oktubre 2012 ay umaabot na sa P17. 45 milyon ang naging bayarin ng kagawaran sa consultation fee nito.

Matatandaang hiniling ni Senator Grace Poe kay Pangulong Aquino na sibakin na sa puwesto si Abaya bunsod na rin ng paulit-ulit na kapalpakan sa serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT). (Rommel P. Tabbad)