HAYAN, lumabas na ang totoo na ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na Beauty and The Bestie talaga ang nag-number one sa nakaraang Metro Manila Film Festival at hindi ang My Bebe Love nina Vic Sotto at Ai Ai de las Alas.

Halos linggu-linggo ay naglalabas ng figures ang Star Cinema kung magkano na ang kinikita ng Beauty and The Bestie samantalang ang My Bebe Love ay wala nang inilabas uli pagkatapos ng kinita sa opening day.

Ang tsika sa amin ng taong may alam sa kuwento, “Hindi talaga ilalabas ang kinita kasi pare-parehong kuripot ang mga producers, isipin mo, ilan sila, lima silang lahat, di ba? Eh, kung maglalabas sila at malalamang malaki na kinikita ng My Bebe Love, eh, di naghingian ng bonus.”

Sabi namin, ang alam namin ay generous ang mga producer ng pelikula. “Hindi na,” mabilis na kontra sa amin ng kausap namin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Okay, fine!

Speaking of Vice, malaki na raw ang ipinagbago nito, sabi naman ng taong malapit sa kanya.

“Hindi na siya palapatol ngayon, renewed Christian na siya!” kuwento ng source.

‘Talaga?’ balik-tanong namin.

“Oo, kasi mas okay na ‘yung tahimik at humble lang siya para less issue,” muling sabi sa amin.

Oo nga, sa kasagsagan ng tsikang number one na ang Beauty and The Bestie na pinasalamatan niya ang lahat ng mga nanood ay natira pa siya, kaya hindi na lang daw siya kikibo at hahayaan na ang mga taong nagmamahal sa kanya ang magtatanggol.

Samantala, masaya naman ang buong ABS-CBN Network na nakabawi na ang It’s Showtime. Ilang araw na kasing panalo sa ratings game ang noontime show simula noong Lunes, nang makakuha ito ng 16.5% kumpara sa Eat Bulaga na 15.3% mula sa Kantar Media National TV Ratings. (Reggee Bonoan)