STO. TOMAS, Batangas - Patay ang driver ng van habang siyam na pasahero niya ang nasugatan makaraang pumakabila siya ng lane at bumangga sa isang konkretong pader ang sasakyan na nawalan ng preno sa Sto. Tomas, Batangas.

Ilang oras matapos ang aksidente, namatay ang driver na si Bernabe Gabinay, 59, habang sugatan naman sina Mercedes Ty, 53; Liezel Dolo, 24; Ronald Montero, 40; Editha Montero, 65; Crisologo Addatu, 52; Rosenda Topacio, 48; Ranselle Monique Salentes, 22; Adolf Dolo, 32; at Joey Penaranda, 43 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:30 ng tanghali noong Enero 12, sakay ang mga biktima sa Toyota Hi Ace commuter van nang maaksidente sa Barangay San Pablo sa Sto. Tomas. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?