download copy

Naglunsad ang Honda Philippines Inc. (HPI) ng mas pinahusay at pinagandang 2nd Generation TMX Supremo! Ang pinakabagong premium tricycle model ng Honda na binansagang “TODA sa LAKAS, SWABE sa kalsada.”

Ayon kay Mr. Daiki Mihara, President ng Honda Philippines, Inc., ang TMX o Tricycle Model X-treme ay nakatatak na sa kasaysayan ng tricycle sa Pilipinas. Ito ay naging pamantayan ng mga motorsiklong pang-tricycle dahil kilala itong malakas, matibay at maaasahan, mula noong hanggang ngayon. Ang mga katangiang ito ay siya ring nakapaloob sa TMX Supemo na inilabas ng Honda noong 2012. Ang TMX Supremo ay may makabagong disenyo ng makina at porma para sa bagong henerasyon ng tricycle driver.

Ayon kay Mr. Elie Salamangkit Jr., Product Planning and Accessory Development Manager, ang 2nd Generation TMX Supremo ay may makabagong porma at tindig. Mula sa 1st Generation, binago at lalo pang pinahusay ang ilan sa mga katangian nito. Tulad ng classic pero mapormang disenyo ng Fuel Tank na sinamahan pa ng eleganteng disenyo ng sticker at bagong Dual Flat na upuan. Ang Side Cover ay binago at pinatibay gamit ang PP o Polypropylene plastic at may security lock pa. Mayroon din itong matibay at easy to install na 3-point factory installed side-car attachment.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang 150 cc na makina ng TMX Supremo ay malakas at matipid na ginagamit ng Honda ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay may class-leading 5-speed Transmission para sa magandang balanse ng lakas at tulin para “TODA sa LAKAS, SWABE sa kalsada.”

Ang TMX Supremo ay itinuturing na Premium Tricycle Model dahil sa mga taglay nitong features na karamihan ay dito mo lamang makikita. Mayroon itong electric starter at choke control sa manibela para madaling paandarin, at Illuminated Meter Panel na may Gear at RPM Indicator para maging gabay sa episyenteng gear shifting. Higit sa lahat ay mayroon ito maaasahan na safety at security features tulad ng Secured Key Shutter, Integrated Handle Bar Lock at Passing Light para magbigay-hudyat sa mga sasakyan na nasa unahan kung ikaw ay handa nang mag-overtake.

Ang 2nd Generation TMX Supremo ay magiging available sa lahat ng Honda Dealers sa Standard Retail Price na P69,990.

Sulit na presyo kumpara sa lakas, tipid, at premium features na mayroon ito.

‘Yan ang 2nd Generation TMX Supremo, “TODA sa LAKAS, SWABE sa kalsada