ERICH AT DANIEL copy

PARANG Valentine’s Day ang atmosphere sa presscon ng Be My Lady sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN na punumpuno ng mga pusong nakasabit sa buong paligid.

Maging ang giveaway na cupcakes ay may kulay pulang korteng puso sa ibabaw.

Tiyak na gumastos ang production dahil pati mga bulaklak na ipinamigay sa mga babaeng kasama sa Be My Lady ay mamahalin at siksik ang pagkakagawa, halatang hindi tinipid.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kitang-kita na sobrang in love talaga ang mga bidang sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, bagay na hindi namin nakita noon sa naunang boyfriend ng dalaga.

Kaya tinanong ang dalawa kung kailan nila naramdaman na in love na sila sa isa’t isa. Sabi ni Daniel, nagkakilala sila ni Erich nang pareho silang maging guest co-host ni Kris Aquino sa KrisTV.

“Marami kaming episodes ng KrisTV pero I think, we started developing better friendship after Two Wives. Sa Two Wives, I got to know her better. And ‘yun po, siguro, God really, really has His perfect timing. Naghintay ako ng three years, and ‘yun dumating si Erich. Such a blessing po,” nakangiting kuwento ng aktor.

Umamin din si Erich na sa Two Wives nga sila nagkadebelopan ni Daniel.

Matatandaang sinulat ko noon na nakita kong sweety-sweety sina Daniel at Erich sa may Grub Restaurant sa ELJ Bulding habang nagpapatay sila ng oras dahil may guesting noon ang aktor sa Aquino and Abunda Tonight.

Kaya nga inintriga ko pa noon kung hiwalay na ba si Erich sa Chinese boyfriend niyang kamukha ni Lee Min Ho.

At sa farewell presscon nga ng Two Wives ay sinabihan ako ni Erich ng, ‘Ate Reggee, nang-iintriga ka, ha, nabasa ko.”

Pero totoo naman pala ‘yung sinulat ko na may something na sila ni Daniel.

“Nag-start as friends, and ngayon, ‘eto na po kami,” tumatawang pag-amin ng dalaga sa presscon ng Be My Lady kamakalawa.

Hindi pa sila nag-aanibersayo pero may balitang magpapakasal na sila.

“Siyempre may plano ako sa kanya,” sabi ni Daniel, “pero siguro for now, kailangan naming mag-focus sa Be My Lady at sa work namin. Pero siyempre, mahal ko siya and God has really His timing.”

Ipinagpapatayo na nga ba ng aktor ng bahay ang lady love niya?

“I’m building a home first for my family but my future is with her so, what is mine is gonna be hers,” pag-amin ni Dandan (palayaw ng aktor).

Sabi pa ni Daniel, “I guess, you get to know each other better with the time. I fell in love with Erich not just because of her beauty but also because of whole package, you know, she’s God-fearing, she’s Christian and malaking bagay para sa akin kung malapit siya sa pamilya ko. So, ‘yun, mabait, malambing. Lahat nasa kanya po.”

Ayon naman kay Erich, napalapit sila ni Daniel sa isa’t isa dahil sa faith kay God at na-in love siya nang husto dahil responsable ang binata.

“He’s really a family man. Napakaresponsable po niya, sa edad niyang ‘yan, hindi po lahat may ganyang klaseng pananaw or paninidigan sa buhay at may goals po siya sa buhay.

“Marami po siyang dreams, napaka-hardworking po niyang tao and I think, ‘yun ‘yun, bukod sa mabait, maalaga,” paglalarawan ng aktres sa kanyang future husband.

Sa Monday na ang premiere telecast ng Be My Lady na sa trailer pa lang ay nakaka-in love na at nagkokomento ang mga katoto na, ‘aabangan mo talaga, mahirap bitiwan.’ Mula ito sa direksyon ni Theodore Boborol handog ng RSB unit.

(Reggee Bonoan)