DINAGSA na naman ng mga deboto ang Traslacion na taun-taon ay ginaganap tuwing ika-9 ng Enero. Sa taya ng Manila Police District (MPD), may 1.5 milyon ang kanilang bilang. Pero, dalawang araw pa lang bago ang Traslacion, nang ilipat ang imahen ng Nazareno sa Luneta Grandstand, ay dinagsa na ng mga deboto ang simbahan ng Quiapo at ang Luneta. Nagpatuloy ang kanilang pagdami nang hayaan na ang mga deboto na makahalik sa imahe. Kasama ba ang bilang ng mga ito sa 1.5 milyong estimate ng MPD? Hindi kasi nangangahulugan na sumama ang mga ito sa prusisyon.

Pero, hindi mahalaga ang bilang ng mga debotong dumalo bago at habang ginaganap ang Traslacion. Ang mahalaga ay parami nang parami ang namamanata sa imahen ng Poong Nazareno. Ipinakikita nila ang matibay na pananampalataya dito.

Bakit nga ba hindi, eh, ilang araw pa lang bago ang Traslacion, ang simbahan ng Quiapo ay parang isla na napaliligiran ng maraming deboto. Sinundan nila ang imahen nang ilipat ito sa Luneta Grandstand. Ang iba ay sa Luneta Park na nagpalipas ng gabi upang hindi na sila maabala sa pagdalo sa misa kinaumagahan. Nang ilabas na ang imahen para halikan, napakahaba ng pila ng mga hahalik na ang buntot ay nasa Roxas Boulevard. May mga debotong nanatili sa Luneta Park upang makasama kaagad sa simula ng Traslacion.

Ang Traslacion ay bansag sa paglilipat ng imahen mula sa Bagumbayan o Luneta patungong simbahan ng Quiapo. Halos hindi makahinga ang mga deboto sa kanilang pagsisiksikan mahipo lang ang imahen o makalapit man lang sa andas na nagdadala rito. Ganito ang kanilang kalagayan, maluwag man o masikip ang dinaraanan ng prusisyon, hanggang sa maipasok ang imahen sa simbahan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kaya ang mga Pilipino ay matiyaga at matiisin. Mahirap mangyari sa bansa ang digmaan na sila-sila ay magkakaaway. At ito ang sinasamantala ng mga ganid na ginagamit ang kapangyarihan ng gobyerno para sa kanilang pansariling interes.

Kasi mayroon pa silang nalalapitan sa kanilang mga hinaing at kahilingan, ang Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng imahen ng Nazareno. Ang pagdagsa nila sa Traslacion ay nagpapatunay na nagkakaroon ng katuparan ang mga ito, himala man o nagkataon lang. (RIC VALMONTE)