BALAYAN, Batangas – Nabisto ng mga awtoridad ang sachet ng shabu na pinaniniwalaang ipupuslit sana ng isang babaeng dumalaw sa Balayan Municipal Jail sa Balayan, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Angeline Gamez, 37 anyos.

Ayon sa report ng grupo ni PO2 Roel Medina, dakong 6:00 ng gabi nitong Enero 10 at nagsasagawa ng inspeksiyon sa mga dalaw si JO1 Jerick Falogme nang mapansin niya ang plastik bag na dala ng suspek.

Nasa loob ng bag ang plastic ng cupcake at nang inspeksiyunin ay natuklasang nakasilid doon ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dinala sa Provincial Crime Laboratory ang suspek at ang nakuhang ebidensiya para sa isasagawang pagsusuri.

(Lyka Manalo)