LEIPZIG, Germany (AFP) — Libu-libong far-right protester ang nag-rally sa lungsod ng Leipzig sa silangan ng Germany noong Lunes laban sa napakalaking bilang ng dumagsang dayuhan na sinisisi sa mga sexual violence sa kababaihan sa mga kasiyahan noong New Year’s Eve.

Isinigaw ng mga nagpoprotesta ang kanilang galit kay Chancellor Angela Merkel, na inakusahan nila ng pagwasak sa kanilang bayang sinilangan nang pahintulutan nito ang pagpasok ng 1.1 million asylum seeker noong nakaraang taon.

‘’We are the people’’, ‘’Resistance!’’ at ‘’Deport them!’’, ang sigaw ng mga tagasunod ng LEGIDA, ang local chapter ng xenophobic group na PEGIDA, ang ‘’Patriotic Europeans Against the Islamisation of the Occident’’.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo