GUIMBA, Nueva Ecija - Naunsiyami ang pagnanakaw ng kambing ng tatlong dayong kawatan matapos silang maaresto sa Barangay Sta. Ana sa bayang ito, noong Sabado ng hapon.

Isinuko ni Dante Somera, chairman ng Bgy. Sta. Ana, sa pulisya ang mga naaresto na sina Manny De Belen y Pascua, 27, construction worker; Anthony Lagamia y Dela Cruz, 31, tricycle driver; at Ronald De Guzman y Tinio, 30, pawang taga-Bgy. Lourdes, Cabanatuan City, na dumayo sa lungsod para magnakaw.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Oliver Magsilang, dakong 4:00 ng hapon nang ipagbigay-alam kay Somera ang pagnanakaw sa mga kambing mula sa bakuran ni Juliet Tolentino y Garces, 47, at naabutan pa ang mga kawatan sa Bgy. Lane sa Science City of Muñoz, kasama ang kambing na isinakay sa tricycle. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog