Matapos ang 10 taong pagtatago sa batas, nadakip na ng awtoridad ang isang lalaki na pumatay sa isang pulis, matapos itong magpakita sa kanilang lugar sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Alfredo De Guzman Lim, hepe ng Intelligence Division, naaresto si Danilo Natividad, 40, alyas “Ting Ting”, sa bahay nito sa Luke Street, Barangay 177 sa Camarin, dakong 7:00 ng umaga.

Base sa datos ng Intelligence Division, si Natividad ay ikasampung most wanted sa Caloocan City, makaraan niyang pagtatagain hanggang sa mapatay si SPO2 Ricardo A. Agacer noong Marso 2006 sa Zapote Street sa Camarin.

Matapos ang krimen, umalis sa kanilang lugar si Natividad at hindi na rin dumalo sa mga hearing. (Orly L. Barcala)

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros