Magpapatayo ang pamahalaang lungsod ng Parañaque ng isang four-level elevated parking building na tatawaging Redemptorist Flea Market and Parking Building sa Baclaran market, sa harap ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help (Baclaran Church), sa first quarter ng taong ito.

Sa gusali ay mabibigyan ng mapaparadahan ang mga motorista habang ang ikalawang palapag ay ookupahan naman ng 2,000 street vendor na aalisin sa kanilang mga puwesto sa Redemptorist Road at Roxas Boulevard service road.

Sa pulong balitaan, inihayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na makatutulong nang malaki ang proyekto para mapaluwag ang trapiko sa lugar at magkaroon ng maayos at lehitimong puwesto ang mga vendor.

Base sa disenyo, ikokonekta ang parking building sa Light Rail Transit (LRT-1) Cavite Extension, na inaasahang sisimulan nang itayo ngayong taon. - Bella Gamotea

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang