Ni BEN R. ROSARIO

Reresolbahin na ng Kongreso ang matagal nang problema ng bansa sa napakabagal na Internet connection, na sinasabing pinakamabagal pero pinakamataas ang singil sa buong Asia.

Sinabi ni Las Piñas City Rep. Mark Villar, chairman ng House Committee on Trade, na maglulunsad ang House panel ng agarang imbestigasyon tungkol sa mabagal na Internet connection ng bansa, sinabing ang oras na nasasayang sa paghihintay ng koneksiyon ay labis na nakaaapekto sa operasyon ng mga negosyo sa bansa.

Sinabi ni Villar na may matinding pangangailangan para busisiin ng Kongreso ang sitwasyon ng Internet connection sa bansa upang agad na maresolba ang problema.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“There is a need to address this alarming and poor state of Internet service in the country as it impacts on consumer welfare productivity, right to information and ultimately on our economy,” ani Villar.

Batay sa report ng Internet provide na Akamai sa Amerika, sinabi ni Villar na ang Internet connection sa Pilipinas ay may average speed na 2.1 megabits per second (mbps) lamang, habang nasa 3.55 mbps naman ang nakatala sa datos ng isa pang Internet metric firm, ang Ookia.

Sa House Resolution 1658, sinabi ni Villar na nangungulelat ang Internet connection ng Pilipinas kumpara sa mga kalapit-bansa natin, kabilang ang Laos (4.0 mbps), Indonesia (4.1 mbps), Myanmar at Brunei (4.9 mbps), Malaysia (5.5 mbps), at Cambodia (5.7 mbps), habang pinakamabibilis naman ang sa Singapore (61.0 mbps), Thailand (17.1 mbps), at Vietnam (13.1 mbps).

Aniya, ang local consumers ay nagbabayad ng P1,000 kada buwan para sa Internet service na may bilis na hanggang two mbps lamang, kumpara sa 36.90 Singapore dollars (P1,312) para sa 15 mbps ng Internet speed.