ALIAGA, Nueva Ecija - Isang 38-anyos na nagbebenta umano ng ilegal na droga ang nasakote ng Drugs Enforcement Unit (DEU) ng Aliaga Police sa Barangay Poblacion West 3, nitong Biyernes ng gabi.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Senior Insp. Marlon Cudal, OIC ng Aliaga Police, na humantong sa pagkakadakip kay Bonifacio Constantino y Marcelo, ng Bgy. Bucot, na nakumpiskahan ng tatlong piraso ng small heat-sealed transparent plastic na may hinihinalang shabu.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Ramil Sanchez, dakong 6:30 ng gabi nang isagawa ang operasyon hanggang masukol si Constantino, na nangunguna sa target list ng Oplan: Lambat Sibat sa Aliaga. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog