Tatlong kasapi ng Buroy robbery group ang naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detective Group (CIDG) sa South Cotabato.

Kabilang sa mga nadakip ang leader ng grupo na si Hernito Tuan Ungkal, 50, alyas “Buroy”, kasama ang dalawang tauhan nito na sina Robin Faan Mann, 66; at Archie Ayao Sulan, 39, pawang nakatira sa Barangay Tubi-Allah, Surallah, South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato-CIDG chief, Senior Insp. Timothy Arciso, si Ungkal umano ang leader ng grupo at itinuturing na most wanted sa South Cotabato. (Fer Taboy)
Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril