Beyonce

NEW YORK (AP) — Magbabalik si Beyonce sa Super Bowl halftime show.

Kinumpirma ng Pepsi sa The Associated Press nitong Huwebes na ang 34 na taong gulang na singer ay magtatanghal sa Pebrero 7 sa Levi’s Stadium sa Santa Clara, California. Nitong nakaraang buwan, inihayag ng Coldplay na magtatanghal ang singer sa halftime show.

Taong 2013 nang magtanghal si Beyonce sa Pepsi Super Bowl halftime show sa New Orleans sa Superdome, at sinamahan siya ng kanyang Destiny Child’s bandmates na sina Kelly Rowland at Michelle Williams.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Nagkasama si Beyonce at ang Coldplay sa bagong album ng banda na, A Head Full of Dreams.

Si Katy Perry, na nagtanghal noong nakaraang taon sa Super Bowl, ang most-watched halftime show sa kasaysayan na may 118 milyong manonood. Ang ilan pa sa mga headliners ay sina Bruno Mars, Prince, Madonna, Bruce Springsteen, U2 at ang Rolling Stones.