CABANATUAN CITY — Nilimas ng kawatan ang mahahalagang gamit sa opisina ng isang abogado sa lungsod na ito noong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Carlos Federizo y Yango, 75, notary public, residente ng Purok I, Barangay Bonifacio, ng lungsod.

Ayon kay Federizo, dumating siya sa kanyang opisina sa 2nd floor ng Venes Building sa Gabaldon St., San Roque Norte, dakong 9:20 ng umaga. Nagulat siya nang matuklasang sira ang padlock ng main door at nakakalat ang ilang kopya ng mga nanotaryong dokumento.

Tinangay ng hindi nakilalang kawatan ang isang DVD player at speaker, isang blackbox satellite at ilang mahahalagang gamit ng abogado. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae