Dahil sa popularidad ng holiday non-stop bus service, pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Premium Point-to-Point (P2P) Bus Service hanggang sa Enero 31, 2016.
Sumusunod ang mga bus sa schedule upang mapaikli ang oras ng biyahe ng mga pasahero at direktang makarating mula sa mga terminal hanggang sa piling drop-off points.
“We are pleased with the positive reception of the bus service, given the increase in ridership over the holidays.
The service offers the riding public access to a convenient transportation option that can attract private car owners to shift to public transportation,” sabi ni DoTC Secretary Jun Abaya sa isang press statement noong Huwebes.
Sa kasalukuyan, ang P2P Bus Service ay may tatlong ruta: SM North EDSA hanggang Glorietta 5 sa Ayala, Makati; Trinoma hanggang Glorietta 5; at SM Megamall hanggang Glorietta 5.
Magpapatuloy ang Fröhlich Tours, isang tourist transport operator, sa ilalim ng special permit na ipinagkaloob ng LTFRB sa pagpapatakbo ng bus service hanggang sa katapusan ng buwan.
Samantala, nasa proseso na rin ang LTFRB ng pagpili ng mga bus operator para sa premium P2P routes na nakatakdang umpisahan sa Hunyo ngayong taon. Ang mga rutang ito ay dadaan sa matatrapik na lugar gaya ng Makati, Ortigas, Alabang, at Fairview. Ang mga mananalong bus operator ay magkakaroon ng pagpipilian na mag-operate bilang interim service habang ginagawa pa ang mga bus nito. (CES DIMALANTA)