Gaya ng dati, nagtala ng game-high 27 puntos ang reigning women’s MVP na si Gretchel Soltones na kinabibilangan ng 24 hits at 3 aces upang pangunahan ang San Sebastian sa pagposte ng kanilang 8th game winning streak kahapon makaraang gapiin ang Lyceum of the Philippines, 20-25, 25-13-, 25-11, 25-14 sa NCAA Season 91 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Dahil sa panalo, mas tumatag ang Lady Stags sa kanilang pamumuno at nakaagwat ng halos dalawang laro sa pumapangalawa at defending champion Arellano University na may barahang 7-1, panalo-talo.

Sa kabilang dako, nanguna naman sa Lady Pirates na bumagsak sa ikalimang posisyon kapantay ng Jose Rizal University sa barahang 4-5, panalo-talo, si Grenlen Malapit na nagposte ng 15 puntos.

Nauna nang natalo ang Lady Bombers sa kamay ng Arellano Lady Chiefs, 21-25, 23-25, 19-25.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa men’s division, umangat ang Chiefs sa ikatlong posisyon matapos makamit ang ikaanim na panalo kontra 3 kabiguan matapos talunin ang JRU Heavy Bombers , 25-19, 25-18, 25-20.

Nanatili namang walang panalo ang JRU matapos ang siyam na laro.